top of page

Poetry - TATLONG TAON by Jennifer Lauren Olaso

Updated: Jul 29, 2024

TATLONG TAON

(isang tuLa para kay jOhannes M. morteL)

ni Bb. Jennifer Lauren Olaso

 

Magandang umaga, aking sinta!

Kumusta ka sa tatlong taon kang nakahimlay sa iyong libingan?

Sayang ang pagkakataon ko kung masilayan sana

ang iyong mukha ng payapang natutulog gaya ng karagatan

sa lalawigan ng Romblon - sa pinanggalingan ng yumaong ama.

 

Kung alam mo at alam ko

sa sampung taon tayong hinding nagkakatagpo -

gaya ng inaasahan natin noon;

kung hindi sanang nauuwi sa apat na taon na nagkakatampuha't nagkalabuan

sa pag-aakalang hindi tayo nararapat sa isa’t isa.

 

Gaya ng isang malaking pader sa pagitan nating dalawa,

na may maraming hadlang, babala, at dahilan.

Sa paglipas ng mga panahon,

buong puso na kitang pinatawad hanggang sa maghilom

at sabay nating balikan kung saan tayong nagsimula.

 

 

“Beh, gumising ka!

Beh, gumising ka!

Bumangon ka, umaga na!”



Sabay nating lakbayin ang mga lugar at siyudad

na nag-iiwan ng mga pira-pirasong kahapon at pangako.

Sa Festival Mall, sa Punchline at Laffline, Bethel, Nuvali, MOA,

at iba pang mga lugar na hindi pang napuntahan

na isama sa bucket lists natin nasa kuwaderno.

 

Unahin kaya natin puntahan sa Lobo, Batangas;

O, sa San Narciso, Zambales; o kahit saang pantropikong lugar dito sa Pilipinas.

Tutal, dati-rati kang pumapasyal doon upang kumuha ng mga larawan

at gawing pangdokumentaryong pelikula sa YouTube channel mo.

Sana’y gawin natin habang malayo pa ang araw ng kamatayan ko.

 

Ako ang tagasulat ng script at ikaw ang pagdidirehe.

Gawa tayo ng kuwento na isipi’y naglalakad sa may buhanginang puti.

Magdrowing ng kyut na mga mukha natin sa loob ng malaking puso.

Tapos, isulat ang mga pangalan natin sa ilalim ng drowing

na para ba tayong Jamich at Rico at Claudine. Kilig, noh?

 

 

“Beh, gumising ka!

Beh, gumising ka!

Bumangon ka, umaga na!”

 

 

Habang nakaupo tayo sa may tabing dagat ay masdan natin ang takipsilim.

Kuwentuhan tayo tungkol sa nakaraan, kasalukuyan, at sa darating na hinaharap para sa atin.

Pagkatapos ay pakinggan ang mga awiting Ed Sheeran at 1989 Taylor’s Version sa Spotify

hanggang sa hindi namalayang parehas nakatulog nang magkatabi.

Gaya ng dagat, sadyang payapa at panatag ako kapag ikaw ang kapiling.

 

Mahal ko, pakisuyong huwag mo’kong gisingin

at huwag ka ulit aalis sa aking tabi.

May marami ako gustong sasabihin

bago man gisingin ang realidad na kay lupit

Na magsasabi’y  huli na ang lahat para sa atin.

 

Kahit gayon ay alam nating para lamang sa ikabubuti

at may iniwang aral sa atin.

Kaya buong tiwala kong magkikita tayo sa Paraiso.

Sa tulong ng karunungan mula sa Diyos na Jehova,

natulungan ako maging matiisin at huwag mawalan ang pag-asa.

 

 

“Beh, gumising ka!

Beh, gumising ka!

Bumangon ka, umaga na!”

 

 

Oo, sa tatlong libong taon na maghihintay ako

at mangangakong wala na’ko hahanapin ng iba na gaya mo.

Sa haba ng panahon kang natulog sa iyong libingan,

nais muling mabuo ang panibagong mga tula at kuwento na kasama ka

bilang may iniwang pamana para sa kanila.

 

Kaya lang, may malaking pinagtataka ko:

Nang buhay ka pa, kailanman ay hindi binigyan ng pagkakataong

makita at makilala mo’ko.

Ngunit nang wala ka na, mas lumalalim ang pagkikilala sa’yo

bilang mahalagang bahagi ng buhay ko.

 

Maraming salamat, mahal ko,

at kukumustahin ko ang mga mahal mo

sa oras ng magkikita kami sa unang pagkakataon.

At, salamat din kay Jehova dahil hindi niya’ko pinabayaan

kahit sa kabila ng trahediya, pandemiya, at mga unos sa buhay.

 

Mahal ko, hihintayin ko ang iyong pagkabuhay-muli.

Kaya, “Beh, gumising ka! Beh, gumising ka!

Bumangon ka, umaga na!”

Magkikita-kita tayo muli

sa susunod na habang buhay.



Photo courtesy by Hans Mortel on his Facebook account.

Bình luận


That Craziest Thing Called LiFE!.jpg
bottom of page