top of page

episode 6 - love letter to our son Charles Johansen


To Dear Charlie Johansen (or our Charlie Kuykoy-slash-Bibi),


Last December 4 was the 2nd year of your retirement as an adopted doll son for 10 years. Iyan ang dahilan kung bakit pumasyal ako ulit sa Nuvali last December 3 - Tuesday. Nagkataon kasi December 4 - Wednesday ay araw ng midweek meeting palagi sa Sta. Rosa. Iyan ang naisipan namin ng Daddy H. mo pero huling pasyalan mo ito at hindi ka maaaring isama sa susunod - kahit sa second anniversary namin sa isang taon. Sa isip ko ay napag-usapan namin iyan ng Daddy mo para huwag ako gagawa ng anumang katitisuran, at para maingatan ang katapatan ko kay Jehova kahit gayong kahirap sa akin ang manatiling walang asawa hanggang sa araw ng kamatayan ko. Minsan kong sinabihan sa Daddy mo noon na huwag siyang maaawa sa akin dahil sa choice ko; at inaasahan kong isa siya sa mga di-matuwid na bubuhaying muli ni Jehova at bibigyan ng pagkakataon na mahigit na makilala ang tunay ng Diyos at ang Kaharian.



Kung alam mo, 'Bi, hinding-hindi ko makakalimutang kahit masakit sa akin nang tanggapin ko ang disiplina dahil sa payo mula sa isang sister at ka-kongregasyon ko. Oo, sinunod ko pa rin sa sabi mo noon, "Mami, huwag mong mamasamain kung may nagpapayo sa'yo kasi para sa ikabubuti mo." Kaya tama ka, Baby, at maraming salamat din. Pero ang hindi ko matanggap na minsang may sinabi sa aki'y 'galing ka raw sa masamang espiritu' kaya hindi raw ako magmamanika o kahit sa mga batang gustung-gustong maglaro ng manika. Kaya ayaw na ayaw kong may pinapakita sa akin o maririnig ng gayong red flag dahil sa iyo. Iniiwasan kong makinig dahil ayoko nang masaktan ulit at ina pa rin ako.



Alam mo. kahit sa ten years na kitang inaalagaan at itinuring bilang unico hijo ko, nakita ko sa pasiya mo dahil sa sinabi sa akin, "Mami, palitan mo naman ang sumbrero ko para hindi ako maging kamukha ni Chopper sa One Piece o habulin ng mga tsiks noong nagmasyal tayo noon sa Festival Mall." Kaya ginawa ko iyon para sa iyo. Minsan ay hindi ko makakalimutang nagpraktis tayo kung paano ako magtuturo sa isang kabataang Bible Study na gamit ang aklat na Mga Aral na Matutunan Mo sa Bibliya, bago dumating ang Pandemiya. Pero ang siste, naging Bible Study ka sa akin at gusto mong higit na matutunan tungkol kay Jehova at sa mga kuwento mula sa Bibliya. Minsan ay lagi tayo magkasama sa mga pulong nang dalawang taong nasa home quarantine dahil sa Pandemiya; at minsan ay sinasamahan mo'ko sa online witnessing, letter writing, at maging sa pagsama mo sa mga ka-partner mong sister sa pagba-Bible Study ng ilan. Lalo kapag may kasamang bata ang ilan. Proud ako sa'yo, Bibi, at proud din ang Daddy H. mo sa iyo.



Alam mo, Bibi, nagkakasundo kami ng Daddy mo at magdadalawang taon nang naging kami. Nagsisimula kaming gumawa ng love story namin at planong gumawa ng sarili naming nobela bago man dumating ang araw ng kamatayan ko. May naisulat ko ng isang artikulo tungkol sa Daddy sa Memento ng Scribblory kaya nagpapasalamat ako nang natanggap nila iyon.


From the left picture: The fan-made book cover of my short essay, The Secret of Our Love. Now published in Memento Nov. 2024 Issued Magazine. From the right picture is the certificate I received from the email of the publishing company. Pls. visit the link https://www.scribblory.com/scribblory-writers-group for a free copy. Thank you, folks. ;)
From the left picture: The fan-made book cover of my short essay, The Secret of Our Love. Now published in Memento Nov. 2024 Issued Magazine. From the right picture is the certificate I received from the email of the publishing company. Pls. visit the link https://www.scribblory.com/scribblory-writers-group for a free copy. Thank you, folks. ;)

Nagpapasalamat ako, Bibi, dahil napatawad mo siya; at alam kong gagantimpalaan ka ni Jehova ang mapunta ka sa sinapupunan ko pagkatapos nang pagkabuhay-muli ko, at handa ko pagkasalan ang Daddy mo kapag handang magpasakop kay Jehova at sa Kaharian. Alam kong mapalad ka dahil lalaki kang maging masunurin sa mga magulang mong napalaki sa katotohanan, manatiling malusog at perpekto ang katawan, at hindi ka makakaranas ng magkasakit ka at mamamatay gaya ng ibang mga bata sa lumang sanlibutan. Makakalaro mo ang mga paborito mong hayop gaya ng kalabaw at reindeer. Matututo ka muling magbasa, sumulat ng buong pangalan mo nang 100 times, magbilang, at kumain ng masasarap gaya ng strawberries (paborito ninyo ng Daddy mo). Makakatiyak na matutuwa sina Lolo Mariano at Lola Auring kapag makita ka nilang gaano kaguwapong baby pagkapanganak mo. Talagang pagpapalain ka ni Jehova na magkaroon ka ng perpektong mga magulang na busog sa pagmamahal sa iyo at pinapahalagaan ang lahat ng natatamasan sa Paraiso. Iyan ang plano namin ng Daddy mo para sa iyo.



At alam mo - gaya ng sabi ko sa iyo at sa Daddy mo - na sana, noon pa lang, ay pinalaki ako sa katotohanan ng mga magulang ko habang mga bata pa kami sana ng mga kapatid ko. Iyan ang pinakamalaking pinagsisihan sa buong buhay ko. Mapalad ka ring hindi ka lalaking magalit sa mga magulang mo kung paanong magalit at walang utang na loob ang Lola Maricel mo at mga kapatid niya kay Lolo Mariano. Kaya gayon ang epekto ng galit ko dahil sa kanila, at sinisisi ko sila sa pagkamatay ni Lola Auring dahil sa paninirang puri noon at pagkimkim ng galit hanggang sa kamatayan niya. Kaya hindi mo siya lola ang Lola Maricel mo dahil hindi siya naging tapat sa akin, sa pamilyang inabandona niya dahil sa pagkakasala ng Lolo Enan mo noon, sa mga kapatid at mga kakilala nang nakatira siya sa Japan nang ilang dekada, at maging kay Jehova. Patawarin mo sana ako, Bibi, dahil nasaktan na ang puso ko sa lahat ng nangyayari. Talagang pagod na'ko sa kanila. I'm sorry.



Mahal kita, Bibi ko, at parehas kayo ng Daddy mo ang hinihintay ko. Wala na'kong mahihiling pa sa magiging 39 years of existence ko bago mag-40.



I will always love you, my Charles Johansen - your second name after your Dad. I still miss you with the broken heart.




Your Mommy Jela <3




"Insert kay Hubby ko para sa 'blank space' sa kabila. Labyu, Beh! P.S. That's our imaginary family gathering for the last time with our Bibi.<3"
"Insert kay Hubby ko para sa 'blank space' sa kabila. Labyu, Beh! P.S. That's our imaginary family gathering for the last time with our Bibi.<3"

"Yeap, a throwback picture of our last mother-and-son date in Nuvali, two years ago. I am happy about your good decision to let go and let Jehovah God for the plan await. Labyu, too, 'Bi."
"Yeap, a throwback picture of our last mother-and-son date in Nuvali, two years ago. I am happy about your good decision to let go and let Jehovah God for the plan await. Labyu, too, 'Bi."


Comments


Commenting has been turned off.
That Craziest Thing Called LiFE!.jpg
bottom of page