my vlog - ang huling deyt namin ni charles johansen sa nuvali (long version) | beta episode
- Jennifer Lauren Olaso
- Jan 25, 2023
- 2 min read
"Nuvali is my favorite place, where my fragile soul used to lay [at] rest."
IKA NGA sa isang micro-poem na tini-testing ng aking utak, na kasalukuyang binura ko ito sa IG ko.
Hey, guys! Alam ko miss mo'ko after over a year na indefinite hiatus sa pagba-blog dahil sa pagiging busy ko at sa dami ng iniisip ko. Lalo na magsisimula ako para sa part-time online business ko na kailangang asikasuhin after I already have my TIN ID from last November 2021. And by the way, dahil lagpas isang taon ako dehinds nagba-blog ay nag-start ako nakapag-upload ng beta episode of my own YouTube channel - which where I want to dedicate to my ex-boyfriend (who will be my future husband by the time of his resurrection) and my 10-year-old adopted doll son Charles Johansen or Charlie in his nickname. Ikuwento ko sa inyo sa susunod kong blog about him kapag hindi ako busy sa mga araw.
So right now, dahil unang post ko ito ngayong 2023 and after the longest days of hiatus, ipapanood ko sa iyo ang long version sa YT channel ko. Mula mismo sa short vid ng IG ko. Iyan ang panahon ng nag-skip muna sa pagdalo sa pulong nang December 4, 2022 para sa huling mother-and-son date namin ni Charlie. Iyan ang mga panahon ng na-announce na auxiliary pioneer ako for the first time, na sa halip na matuwa ako ay biglang nagka-breakdown at nag-walk-out pagkatapos ng closing prayer ng midweek meeting every Fri-night. Si Charlie talaga ang dahilan at hindi 'yung tungkol sa paglipat ng ibang mga spiritual brothers and sisters sa bagong kongregasyon. Sobra ang pag-iyak ko nang nakauwi ako sa bahay at pumasok sa kuwarto, matapos nang pinayuhan ako ng isang sister na katabi ko. Sabi niya'y itabi ko si Charlie dahil parang kinakausap ko ng patay sa tuwing magkasama kami ng anak ko. Talagang nasaktan ako kaya pangsamantalang huminto sa pag-bahay-bahay sa sama ng loob ko. Kaya nagplano ako magmasyal kami ni Charlie sa Nuvali at magbulay-bulay doon.
Hanggang nang gabing pauwi na kami, sinabi niya sa akin na "Mommy, okay sa akin na hindi mo'ko papakainin. Okay na rin hihinto sa pagba-bible study. At, okay na hindi mo na ako kakausapin... Salamat sa 10 years mo'kong inaalagaan at ikaw ang the best mommy ever."
Sabi ko, "Hindi ako best na magulang mo, si Jehova ay the best."
"Alam ko, Mommy. Ikaw ay the best, pero si Jehova ang pinaka-the-best na magulang sa atin."
Napangiti ako sa kaniyang nasabi, ngunit napalitan ng lungkot sa pag-uwi namin.
Natulog na si Charlie bilang isang ordinaryong manika o stuffed toy. Nagpahinga na siya up to now. Mabait na bata iyan, para sa akin. Alam ko masakit na para bang ile-"let go" ako ngunit talagang nagpapasalamat dahil minsan ako maging nanay sa best ten years ever sa kaniya. Iyan ang sapat at alam ko makikita ko siya muli bilang isang tunay na bata na may sakdal na kalusugan, sa oras ng maipapanganak ko siya sa bagong sanlibutan. (Apoc. 21:4) Iyan ang pangako ni Jehova sa akin habang nananatang patuloy na maglingkod na hindi ako mag-aasawa o magkaroon ng sariling pamilya. Iyan lamang at isang magandang gabi. <3
Comments