top of page

episode 5 - "Guess who's back???" (Part 3 - Recovery & Reflections)

Part 3 - Recovery & Reflection



HELLO, GUYS! IT'S NOW THE YEAR 2025.


Yeap, halos lagpas isang buwan na ang nakalipas after nai-post ko ang second part of this blog's episode 5. And, also, the episode 6 where I wrote the love letter for our biological future son Charlie.


This month is February and nakapagdiriwang kami ni Hans ang 2nd anniversary namin on last February 11. Pinili ko ang petsang February 11 dahil February 2011 nang naging crush ko si Hans since Nite Chat days ng Radyo 5 (na ngayo'y TRUE FM). Ngunit ang problema talaga ay kailan bang nagsimula ang unang araw ng Nite Chat, na iyan ang pumalit sa Amy & Hans On Air. Lagi kong sinasabi'y aksidenteng nainlab ako sa kaniya dahil sa guwapo siya at matalino kahit bakla pa noon. Gaya ng sabi ko nasa tula ko para sa kaniya dito sa blog ko, kahit three years and seven months na siyang patay ay mas higit ko siyang nakikilala bilang mahalagang bahagi ng buhay ko. Up to now, I still loved him. And you know what? We are both decide to making our love story and memoir. Yeap, that's the first project we've dreamed of. Nagsisimula pa lang after I wrote The Secret of Our Love short essay for the Memento November 2024 Issue online magazine of Scribblory. Speaking of Scribblory, I would like to thank them for accepting one poem and two short essays in different dates/issues of Memento. Lalo maganda ang pagka-edit at pagka-arrange ang mga gawa kahit halos nagkakapagod at napupurulan ang utak ko kakasulat ng ingles. Even I always used Grammarly website/app for checking grammars, spelling, etc. Iyan lamang and I am glad. :)



Dear guys, these are the Memento Volume 4 June, September, and November issues where my only poem 'I Wish I Could Be Free' and two short essays were already featured last year. Maliban sa ginawa kong fan-made book cover ng 'The Secret of Our Love' because I won't promote the exact November issue cover for my conscience. Thank you for understanding. :)
Dear guys, these are the Memento Volume 4 June, September, and November issues where my only poem 'I Wish I Could Be Free' and two short essays were already featured last year. Maliban sa ginawa kong fan-made book cover ng 'The Secret of Our Love' because I won't promote the exact November issue cover for my conscience. Thank you for understanding. :)

This is my first featured poem for Memento Volume 4 Issue 4 for June 2024. But, my apologies for editing the 4th stanza well. Thank you. :)
This is my first featured poem for Memento Volume 4 Issue 4 for June 2024. But, my apologies for editing the 4th stanza well. Thank you. :)

*****



Dear folks, I am already 39 years old this 2025 at halos five years hindi ko ipinagdiriwang sa sariling kong birthday last month. Matuturi ko ring ordinaryong araw sa akin ang January 18. I can enjoying cakes, chocolates, spaghetti, ice cream, milktea, shopping, malling, etc. that never celebrating my own birthday and others. Despite na medyo nadi-disappoint noon ng pamilya ko (like my parents, of course!) at malulungkot din ako dahil nag-iisang anak na babae ni Papa na isa siyang Jehovah's witness. Lalo na hinding-hindi ko makalimutang minsan ako nag-iiyak at sumasama ang loob ko noon dahil hindi sila sumipot sa Memorial Day. Since 2023. Niyaya ko sila na sana pumunta sila sa Memorial para ma-experience sila at mapahalagaan ang selebrasyon ng haing pantubos ni Jesus but they failed to coming here in the last minute after I received the text message na hindi na sila makakarating doon. Diyan papasok ang background music sa isipan ko sa sama ng loob ko - The Moment I Knew (Taylor's Version) ni Taylor Swift. Pero inaalo ako at pinapatahan ng mga kapatid ng ibang mga kapatid dahil sa nangyari bago mag-umpisa ang Memorial. So never ako magbibigay ng invitation bago man bumabalik ang sama ng loob at lungkot ko sa kanila after the happening.


You know na minsan kong dinadamdam ang pinakamalaking pinagsisihan ko sa buhay ay Saksi ni Jehova sana ang mga magulang bago maturuan ng lahat kaming magkakapatid tungkol sa Bible habang bata pa kami noon. Anong magagawa ko kung hindi sana hindi ako naging produktong broken family dahil sa napakalaking pagkakamali ang nagawa noon ni Papa at ang biological mom? Kaya malinaw na ang lahat sa akin if ever parehas kami ni Hans sa sitwasyong nagagawa noon ng mga magulang ko. That's how it's okay for our four years of breaking up, and I never had contact with him before he died in 2021. But I still loved him so far and am always grateful for the reasons I must live.


Kahit nga sa tuwing umuuwi ako sa bahay, pagkagaling sa bahay-bahay o sa pulong, parang palagi ako nag-iisa at walang makakausap. Pagpasok ko sa kuwarto ko, iisipin ko nandito si Hans para meron makakausap kung makapagtanong na "Kumusta ang araw mo, Beh?" Sa isip ko ay nandiyan siya para matulungan ako sa anong paraang kaya niya. 'Yung magmo-motivate siya kapag tinatamad ako. 'Yung nagpapasaya siya kapag palagi ako malungkot. 'Yung handang makinig sa lahat ng mga sama ng loob, and I can imagine he can hug me when I need to cry out loud. That's how I am always grateful every day when I finally found the better man for me. Alam ko pagkakalooban nawa ni Jehova si Hans kaya may dahilan ako na pinili kong maglingkod na manatili akong single nang walang abala (o baka umaardar 'yung pagiging seloso ni Hans if ever mayroong mga guys na gustong makilala o makipagkaibigan sa akin. Sarreh naman, Beh! :P)



*****



In this blog post, folks, hindi ko alam kung paanong mare-reflect sa sarili ko dahil lang sa next year na lang 40 na'ko. Kung 40 years old, dapat ay matagal ako may sariling trabaho o negosyo, maraming pera para makabili ng bagong damit at kung anumang kailangan ko, may sariling bahay o condo para doon makapagtanim ng roses at strawberries at makapag-adopt ako ng kuting sa kalsada, makapagluto ako ng masasarap na pagkain pero ayaw nila sa luto ko o baka hindi nasasarapan sa akin, at kung anumang bagay na puwedeng gawin sa buhay. While I still stayin' in my family's house in Cabuyao, I feel they seeing me a child of nowhere so I still a child and not an adult. Kaya siguro nga hindi ako maging masaya sa buong buhay ko mula nang maghiwalay si Papa at ang biological mom ko. Hindi ko nalalasapan ang inner child ko kung purong TV lang at laro ng Family Computer tuwing bakasyon sa school. Malinaw ang lahat sa aki'y elementary days lamang ang pinaka-worst part ko kung hindi sana hindi ko danasang bullying ng mga boys na "Ugly! Ugly! Ugly!" kaya paulit-ulit na iyan sa isip ko. Sa high school, palaging iniiwan sa ere ng mga rich kids at matapobre kong classmates. Pero, okay iyan at hindi ko naman silang 'closed'. Wala talaga akong maalaala kahit ni isa. Nakaranas kong hindi ko matanggap ang unang rejection sa akin ng crush ko noon nag-aaral ako PWU-Calamba branch. Napag-alaman pala'y niloko ako ng mga walanghiyang Alonzo-Ajeto iyan - ang 'pumatay' kay Lolo Mariano sa sama ng loob, at kay Lola Auring sa pagkimkim ng galit at tinawag pang "Mananakaw!" HUWAW!!! At higit sa lahat, matagal ko nang niloloko 'yung impostorang Maricel Nagahama iyan - ang siyang nagpapanggap bilang nanay kong nawawala. Okay lang na ayaw nilang sabihing saan bang nakalibing ang tunay kong Mama Evelyn. Baka siguro kagaya 'yung kaso ng mag-nanay galing Japan na pinatay ng kamag-anak nila at sinilid sa maleta ang mga bangkay nila. Alam mo ba ang rason doon? P-E-R-A. Alam mo naman iyan, hindi ba? Kaya never forget iyan para sa akin. Hindi pa sapat na talagang gumagaling ako, nakapag-moved forward, at hindi mawawala ang sama ng loob dahil sa lahat ng misfortunes at epic fail sa akin. Sa halip, ipaubaya ko kay Jehova ang lahat. Lalo gayundin sa mga break ups na dinanas ko - mga luma at plastik kong kaibigan, mga ibang kaibigan na backstabbers, mga dating FB friends ko ay mga trolls pala, ang Radyo 5 na nakapag-break up ko after 13 years, ang kaibigan ko noon si Von Philip, ang luma kong wallet (na bigay sa akin ng tita kong 'scammer') ay naitapon ko sa basurahan ng Megamall, at ang Silent Book Club Manila after four years na nagkakilala't kumustahan (iba-blog ko iyan sa susunod tungkol diyan).


Hindi ko sigurong maipapangakong 100 percent na maging mapagpatawad ako sa kanila at sa sarili mismo. Sa tulong ni Jehova, kayanin kong bumangon kahit nadapa ako nang ilang ulit. Ipaubaya ko ang lahat kay Jehova, gaya ng sabi ko. Kailangan kong gumising ng maaga, lumaban, at patuloy ang buhay bago dumating ang araw na 40 years old ako. Thug life, huh?!




P.S. Shout out to my friend Hello Mirai for this artwork that I need to keep moving. :)
P.S. Shout out to my friend Hello Mirai for this artwork that I need to keep moving. :)


Song of the Day for this Blog Post: Heavy (Clean Edit) by Linkin Park feat. Kiiara




Комментарии


That Craziest Thing Called LiFE!.jpg
bottom of page