MAALAALA KO BA ANG LAHAT? (The 2020 Revised Edition)
- Jennifer Lauren Olaso
- Sep 20, 2020
- 4 min read

The Wr;ter’s note: Ang aking maikling sanaysay ay dati-rati na-post sa yumaong FB account ko noong 2017. Na-edit, na-polish, at na-published sa Wattpad noong 2018. At, ngayong 2020, muli itong ibinalik at inilipat na sa minamahal kong Personal Blog Site dito sa wix.com. Ang maikling sanaysay na ito ay bilang pagpupugay at pasasalamat ko sa mga titser ko nang hayskul at sa aking ikalawang tahanang matagal nang naglaho - ang Cahbriba Alternative School.
MAALAALA KO BA ANG LAHAT?

Hindi ako sigurado kung makakasulat man ako ng tula, ng sanaysay (essay) o kaya’y maging kasing-husay ako sana ni Virgilio Almario alyas Rio Alma, upang masabing gaanong ka-miss ang mga high school days ko at kung sinu-sino ang mga titser na nakilala ko. Parang gusto kong umuwi doon at kamustahin. Kaso lang, kung kailan ako tumatanda’t nagkaka-dementia ay sakang hindi ko lubos na maalaala pang muli… bilang isang high school student sa Cahbriba!

Gumigising ako ng mga 4 o’ clock nang madaling araw para mag-almusal, maligo, mabihis ng uniporme, dalhin ang mga gamit, at bumiyahe. Isang sakay sa traysikel na P2.50 ang pamasahe, mula bahay hanggang bayan. Limang piso kada sakay ng dyip, mula bayan hanggang Crossing-Calamba. P7.50 ang pagsakay ulit ng dyip pa-UP Los Banos, ngunit bababa ako sa Agapita. May three choices pa: sumakay ulit ng traysikel, sumakay sa may school service at bayaran ng limang piso o maglakad-lakad ako kapag hindi ako tinatamad. Bale mas masaya talaga akong maglakad, mula Agapita hanggang sa naturang eskwelahan, kaysa aksayahin ng pera ko pa-traysikel o pa-school service. May pagkakuripot ko kung minsan pero laging waldas ang pera kong isang daang piso kada araw. Dumarating ako sa eskwelahan nang 7:30 ng umaga at nasa school area ako minsang tumatambay, bago magsimula ang klase ng alas-otso at nasa loob ako ng klasrum. Kapag tuwing Lunes, may flag ceremony. Minsan, inatas ng Principal na ako ang magli-lead sa awiting Lupang Hinirang, pero hindi naman ako kabisado sa awiting iyan. Tamad kasi. Sa halip, nagkukumpas-kumpas ako ng 4/4, gamit ang mga kamay ko. Naalaala ko kasi ganyan ang isa sa mga titser ko noong nasa elementarya pa lamang kapag oras ng flag ceremony.
Naalaala ko ang una kong class adviser mula first year ay si T. Helga. Tapos, ang titser ko sa Filipino subject ay si T. Theng. Ang titser ng Math ay si T. Mike. Si T. Delphin ang titser ng P.E. at magiging coach ko sana ng softball. Siya rin ang composer ng pambasang awitin ng Cahbriba - ang Cahbriba Song. Naalaala ko rin sina T. Tricia, T. Pilar, T. Lyra, atbp. Wala naman akong maalaala kung sinu-sino pa ang mga titser na nakilala ko mula nang first year. Bago man dumating sina T. Baby, T. Lory, T. Randy, Coach Jeff, T. Melvin, atbp. Naalaala ko si T. Elsa nang minsan ako dumadalaw sa Autism Learning Center mula nang first at second year.
Loner ako at madalas nang ini-tsapuwera sa mga kaklase ko, kahit sa mga lakad nila pagkatapos ang klase. Ang tingin nila kasi ay isa akong nakakahawang sakit. Wala pala ako ka-bespren-bepren noon. Higit sa lahat, wala talaga akong maalaala!

Halos hindi ko lubos naiisip na para bang may sariling mundo ako. Wala talaga akong muwang sa kakalakwartsa ko sa isang imaginary universe. Doon kong nakilala ang mga close friends ko - real friends and imaginary friends. Hindi naman ako bangag, sa totoo lang, o baka. Sadyang naniniwala ako noon sa mga guardian angels at imaginary friends, bago kong sinimulang magsulat at mangarap na maging writer. Minsan ko ring natutong mag-drawing o magpinta dahil nakuha ko iyon sa talent ng una kong crush noong high school. Ngunit huli ko nabalitaan tungkol sa kaniya ay may girlfriend na siyang Koreana at ako naman ang kadi-’divorced’ sa Ex kong bakla, matapos nang anim na taon akong pinaasa.
Para sa akin ay nagpapasalamat ako sa Cahbriba at minsan naging parte ito ng buong buhay ko. Nagpapasalamat ako sa mga guro ko na walang sawang pagsusubaybay sa akin, kahit isip-bata ako at madalas pala-iyakin dati sa school. Pero, ngayon ay matinong tao ako, gaya sa mga normal na tao. Nagpapasalamat ako kay T. Theng dahil hindi niyang nakakalimutang kamustahin ako kahit hindi ako estudyante noon sa Cahbriba. Ang nakakalungkot nga, malamang, walang nakikilala sa akin na isa akong dating autistic na nag-aaral noong high school. Nami-miss ko ang school library, na madalas kong tumatambay pagkatapos ng lunch. Nami-miss ko ang tindahan ni Lola Betty; kung saan doon akong bumibili ng mga school supplies, laruan, Nescafe Frothe na paborito kong kape, at Nissin Yakisoba na madalas kong ulam sa tanghalian. Nami-miss ko ang Pavilion at ang palaruan; kung saan ako tumatambay para magmunimuni. Maging ang table ko noong third year or forth year na nasa isang sulok na malapit sa bintana. Nami-miss ko nga ang naging paborito kong aklat noong hayskul ay ang History of the Burgis.
Kaunti lang ang naalaala ko o nang dahil sa katandaan ko’t duluyang ma-dimentia. Traydor nga ang memories, ika nga sa pelikula nina LizQuen.
Kasalukuyan ay nagsusulat ako ng mga kuwento sa Wattpad at wix.com, bilang parte ng paglilibang ko kapag wala akong ginagawa. At, nagbo-volunteer din isa sa mga mamamahayag ng mabuting balita mula sa Kaharian. Naniniwala pa ring hinding hadlang sa akin ang pagiging may kapansanan sa pag-iisip o tinatawag na person with Asperger’s Disorder, kung haharapin man ang mga hamong walang kasiguraduhan. At, naniniwala akong mawawala na ang lahat ng uri ng sakit*, sa kaloob-looban ko mismo.
Maraming salamat sa iyo.
Ako si Jennifer Lauren A. Olaso. Graduated from Cahbriba Alternative School since March 25, 2003. Estudyante ako ni Maria Vilma Theng Alanis mula nang second year (hindi pa uso noon ang K-12).

* [Isaias 33:24; Apocalipsis 21:4]
コメント