THROWBACK TIME Presents: Happy 2nd Year #JOYTHATKILLS! =)
- Jennifer Lauren Olaso
- Apr 12, 2019
- 5 min read
Updated: Aug 22, 2020
Dear guys,
Allow me this opportunity to post this throwback piece, once again. In-edit ko siya nang kaunti na may kasamang mga pictures, I gonna repost this on my blogsite with the new segment for the first time called THROWBACK TIME. That because I am very nostalgic, I would like to share the one of memorable things I'll never forget and always be grateful I can have.
This throwback piece was posted on last April 16, 2017 from the long-lost The Jela Olaso Blog FB Page. It is about the second year anniv of #JoyThatKills a.k.a. The first Porcey Writing Wrokshop on last April 12, 2017.
Kaya unang patikim ito for this segment blog post. Sit back and enjoy reading. Thank you.
xoxo, J.O. ^_^
* * *

On last April 12, 2017. Holy Wednesday.
Umalis ako ng mga alas-siete na umaga para bumiyahe. Bago iyon ay gumigising ng mga alas-singko upang magpakulo ng tubig sa takure para sa mainit na kape na iinumin ko at mag-almusal. Pagkatapos ay maligo na at magbihis bago pang bumiyahe.
Sumakay ako ng tricycle mula Celestine Homes hanggang Bayan ng Cabuyao. Sampung piso. Pagkababa ay sumakay ako ng jeep papuntang Pacita Complex, San Pedro. Twenty-one pesos. Pagkababa ay sumakay naman sa Dela Rosa Bus at bababa ako hanggang Farmers-Araneta. Seventy-four pesos. Bago ako makakarating sa Union Square Condominium, kung saan doong gaganapin ang #PorceyWritingWorkshop. Walking distance raw pagkababa doon. Kaso lang ay dehinds ako masyadong kabisado sa mga lugar, maski nakarating ako dati sa Araneta-Cubao, by less than three years ago. Takot talaga ako maligaw kaya doon kong nagpasyang mag-taxi ako sa plate number na UVJ 223 at ang pangalan ay DES TEH. Isang daan ang bayad ko kay Manong Tsuper at laking pasasalamat sa kanya dahil hindi niya’ko binigo. More power poh! =)

Nasa second floor ang naturang writing workshop at kahit mga 10 minutes late na’kong dumating sa isang unit. Pangalawa nga ako sa mga ‘early bird’ bago mang dumating ang ilan. Makatanggap ako ng one copy of hang-outs at magsisimula na ang workshop.
Basic for Songwriting ang una naming inaaralan. ‘Yung kung paano kang magko-compose ng mga magagandang kanta. Simple lang. Ideas ang unang pagle-lecture ni Teacher Porcey (or mas kilala bilang si Pocupine Strongwill as author-slash-wattpad writer) at ‘Heartbreaking’ ang magiging tema sa pagsusulat ng kanta (or songwriting). Tapos ay ishi-share ko sa napili kong ka-partner ko si Em about sa mga malalang ‘heartbreaking’ situation - gaya noong nawala na ang ‘Face To Face’ sa TV5 at maging sa nag-away kami ng dati kong ‘crush’ na ngayo’y EX ko na siya. Sa kalagitnaan ng pagle-lecture ay dumating na ang ilan. Naging siyam na kaming mag-classmates pero ako nga ang pinaka-’senior’ sa kanila. Magpakilala mula sa mga classmates ko bago ituloy ang lecture.
Alam mo ba? Bago pang maging author at writer sa Wattpad, at isa rin sa mga contributing authors ng Heartbreakers sa PSICOM - nagsisimula siyang gumawa ng kanta at her age of 11. Hiyang-hiya talaga sa ibang mga singers d’yan at ang gaganda ng mga awiting nagawa niya. May kasamang simile at metaphor kaya sadyang malalalim ang mga kantang nais kong pakinggan. Very poetic. Talagang gusto kong i-search sa YouTube para mapakinggan ko. Lalo na doon kong naintindihan ay ang paggawa ng kanta ay nagsisimula lamang sa pagtutula. Kaya doon kong nakagawa ng isang verse mula mismo sa first lesson ng ‘Basic Songwriting’. Nang umuwi ako sa bahay ay binuo ko ng isang tula na mga four verses at two lines para sa huli. Doon ako naho-hook-up.

Lastly, at three o’ clock in the afternoon, ‘How to Strengthen your Fiction’ naman ang aaralin namin. ‘Yung maging pamilyar tayo sa Six Major Elements of Fiction na gaya ng PLOT, SETTING, CHARACTER, SYMBOL, P.O.V., at THEME para sa paggawa ng storya. Lalo na magsisimula ka sa REVIEW, READ, WRITE, ANALYZE, LISTEN at dagdag pa ‘yung REVISE at STUDY GRAMMAR. Binasa namin ang paragraph story sa hang-outs, ‘yung galing sa storya ng ‘The Story of an Hours’ ni Kate Choppin. Kwento ito ni Mrs. Mallard, na inaakala sa kanyang sarili’y biyuda na siya, matapos nang napapabalitang kasama sa listahan ng mga ‘nasawi’ sa railroad disaster ang kanyang asawang si Brently Mallard. Sa una pa lang ay nalungkot siya habang nagluluksa kaya gusto niya mag-isa at magkukulong sa loob ng kwarto. Di nagtagal ay maging masaya siya sa inaakala ng karamiha’y
‘nabaliw siya.’ Lingid sa kaalaman nila'y naging masaya siya at ramdam ang pagiging malaya. Hanggang sa isang araw ay may kumakatok sa pintuan ng kanyang tahanan. Nang nabuksan ang pinto, nakakagulat na bumungad niyang nasa harapan ang kanyang asawa na si Mr. Mallard… na buhay nga pala! Kaya siya’y nawalan ng malay. Nang tumawag ang doktor, doo’y napagtantong namatay na si Mrs. Mallard sa sakit sa puso - of the JOY THAT KILLS!
Nagtawanan sila lahat. Pati ako, nahawa na… HAHAHAHA! Nakakaloka kasi ang kwento na may nabanggit sa huli’y “joy that kills”. Metapora ang tawag dito. Medyo may pagka-obvious ang pagkasabi ng doktor na sumusuri kay Mrs. Mallard kung bakit siya namatay sa pag-atake sa puso. Hindi kaya nang dahil sa pagkagulat niyang buhay pala ang asawa o nang dahil sa tuwa? Wala akong masabi… HAHAHAHAHA!!! Hashtag. Libong tawa na!
Nai-share ko tuloy sa #NosebleedChallenge every Thursday sa Wattpad Writer’s Guild FB Group page. Matatawa kayo d’yan kapag binasa mo nang paulit-ulit at maintindihan mo ito kaya English. 1894 ito ni-released ang kwentong ‘The Story of an Hours’. Kaya doon kong maintindihan na hindi gaya sa lahat ng mga kababaihan na tulad natin sa panahon ngayon. Very submissive sila o ‘sunud-sunuran’ sa kani-kanilang mga asawa noong Panahon ng 1800’s. Parang ganyan din sa Panahon ng Kastila dito sa Pilipinas. ‘Yung palaging hanggang bahay ka lang para lamang maglinis ng bahay, maglalaba, magluluto ng pagkain, maghugas ng mga pinggang, mag-alaga sa mga anak nila, etc. Tapos, ang tingin ng mga kalalakiha’y very weak ang mga babae. Pero, mapalad naman hindi gaya sa atin in this modern times na malaya tayo sa mga nais natin gawin sa buhay. ‘Yung malaya tayong makapag-aral sa mga magagandang eskwelahan hanggang makatapos ng kolehiyo. ‘Yung malaya tayong mangarap para makapagsulat ng kwento sa Wattpad. ‘Yung malaya tayong makaboto at pumili kung sino ang tingin ninyo maging mabuting presidente ng Pilipinas. Iyan sa mga matutunan ko dito sa kwentong ito.
Syempre, hindi mawawala ang lunch at merienda na may kasamang kwentuhan at tanungan kung ano ba ang natutunan dito sa writing workshop na ito. Tatlong malalaking pizza at Ice Tea for lunch. J.Co donut at kape for merienda. Bago kaming umuwi at 5:10 p.m., nakatanggap kami ng Certificate of Participation at piktyuran kami lahat bilang pagtatapos sa workshop. Graduation. But for me, very thankful talaga kay Kumare dahil mas malalim ang pagkuha ng kaalaman sa pagsusulat ng mga tula (na magiging kanta) at maging sa mga kwento. Isasabuhay ko ito for this time.
Pero, isa lang ang pinakamatinding natutunan ko mula sa #PorceyWritingWorkshop… #JoyThatKills
=)
Commentaires