top of page

THROWBACK TIME Presents: MANANG ANA

Updated: Aug 22, 2020




As told by Maria Vilma Alanis Coronado from her FB post since January 26, 2013.

Siya ang Filipino teacher at class adviser noong second year high school ako sa Cahbriba. - J.O.



Manang Ana…



Ako at si manang Ana...nakilala ko si manang Ana sa Luneta habang nagpraktis ng cheering ang aking mga estudyante...Noon una binabalewala ko si manang Ana, tipong nagbingi-bingihan,nagbulag-bulagan at pipi...kinuha ni manang Ana ang atensyon ko sa pamamagitan ng kanyang alagang pusa...hanggan ako na mismo ang lumapit sa kanya at nagkaroon kami ng isang simpleng pag-uusap...Masayahing tao si manag Ana wala man syang tirahan at di kasama ang kanyang kamag-anak ayos lang sa kanya...Ito kasi ang pinili nyang landas ang mag-isa at manirahan sa ilalim ng isang puno sa Luneta. Habang kausap ko si manang napatigil ako at nag-isip, sumagi sa aking isipan na magpalit kaya kami ng pwesto ni manang Ana...Kakayanin ko kaya ang napili niyang landas? mga pagsubok sa kanyang buhay?...Nasambit ko sa aking sarili na tayong mga tao ang gumagawa at pumipili ng ating magiging landas.....

Sa puntong pakikipag usap ko kay manang Ana...napagtanto ko na hindi ko magagawa ang makipag-usap sa kagaya nya kung hindi ako bababa at ilapit ang aking sarili sa kanya...May dahilan ang lahat kung bakit hinipo ang aking puso upang ilapit ang aking sarili sa mga kagaya ni manang Ana....

Bawat tao may kanya-kanyang landas na tinatahak...Napapagod man tayo ngunit kailangan pa rin nating magpatuloy sa buhay...Hindi natatapos ang mga bagyong kinakaharap natin habang tayo ay nabubuhay...Hindi tayo matututo kung hindi tayo madadapa...Kailangan natin paulit-ulit na madapa at matututo at dapat nating itong harapin na wala tayong sisihin mga tao na nasa paligid natin...Kailangan natin madapa upang malaman natin kung gaano tayo katibay bilang isang tao...Kailangan natin tumayo sa pagkakadapa upang ituloy ang lakbay ng ating buhay...



Kommentarer


That Craziest Thing Called LiFE!.jpg
bottom of page