top of page

episode 1 - begin again (the long requel 2021)

Updated: May 3, 2021


Hello, guys! This is Jennifer Lauren Olaso and I'm from Laguna, Philippines. It is nice to be back as a writer and a blogger. But, honestly, I am not too active for this blog because of my busiest time ever. And, also, I am still battling depression and pandemic fatigue, aside from being a person with Asperger's Disorder.



Therefore, I really missed writing stories and pictured everything. And, even I would like to introduce my under-constructed blog site on wix.com since 2018 - That Craziest Thing Called LIFE! If ever someone's asking why am I choose this kind of title for this blog, here's my simple answer: It depends on what others saying about lives gonna crazier when it happens. So I had the same thing, too. Sadyang baliw talaga ang mundo, sa isip ng ilan o depende sa anumang kalagayan nila. Nadarama ko iyon.



Nag-start ako magsulat noong hayskul ako sa Cahbriba, sa edad kong trese. Doon ako natutong magsulat ng essays, poems, short stories, at kung anupaman. Lalo na doon ako natutong mag-drawing dahil natututo ako sa ibang mga klasmeyts kong mahilig mag-drawing. Naging influencer ko si BFF Anne Frank, noong third year, pagdating sa pagsusulat ng diary. Mula nang nagtapos ako ng hayskul ay napagdaan ko sa Cubeblog, Hi5 Journal, Friendster Blog, Multiply, Tumblr, medium, Wattpad, at ngayo'y wix.com. Sa dinami-dami kong internet cafe na napapasukan ko at doon ko ginastos sa sarili kong pera. Parang bisyo iyan. Bago ako nagkaroon ng Acer laptop, Smart Bro, at Wi-Fi sa bahay.



Speaking of Wattpad ay 2015 ako nag-start na magsulat ng mga novels ngunit wala ako natapos kahit isa. Naging kaibigan ko ang ilan sa mga Wattpad writers at readers sa social media o sa tuwing pumupunta sa mga Wattpad events. Sumasali ako sa mga writing contest pero natalo ako lagi. Bibihira lang nagka-placer at pumasok sa semis. Nakatikim ako ng mga bastos na komento sa nasalihan kong contest na kung saan doon ako natalo. Nagpapadala ako ng mga maikling kuwento sa mga publishers at umaasang kikita ng pera. Na-scam ako sa isang book publishing company na di-kilala. Napasama ako sa mga maling barkada sa FB kaya ako'y nagkandaloko na't nasira ang buhay ko noon. Iyan ang dahilan kung bakit ayaw ko talaga ang mag-Facebook at nagpasiyang i-delete ang sarili kong account nang 2018.



Oo, sa humigit 22 years na nanatiling aspiring writer ako, mula nang mag-hayskul, doon kong napapatunayang baliw talaga ang takbo ng mundong ito. Bagaman ay humigit ding 20 years na wala akong trabaho kahit part-time lang o may sariling tindahan lang sana, pero binibigyan pa ako ng allowances mula kina Mama at Papa by every bi-monthly. Lubos ako nagpapasalamat sa kanila (kahit matagal na silang naghiwalay) dahil hindi ako pinabayaan pagdating sa pinansyal at sagot din sa pagpapagamot kapag nagkakasakit ako physically.




Pero, mula nang nakikipag-aral ako ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova after two years, doon ko natauhan na hindi talaga ako magtatagumpay sa sistema iyon. Then, I was already baptized on August 2, 2020; at the 1st Regional Convention during the Covid-19 pandemic. Kahit bautisadong Kristiyano ako ngayon, may mas marami ako dapat matutunan at hindi madali ang mga hamon ko sa ngayon kung manatiling matatag at mananpalataya sa Diyos na Jehova.




Another reason why That Craziest Thing Called LIFE! as the title of this blog is to embracing of being such funny, crazy, wild, and not-so-pretty from the outside but always stay beautiful inside. (Or, I guess I am growing old.) I am just a fragile and imperfect person as I know. I am too much sensitive at self-absorb ako pagdating sa emotions ko. Kaya, ayoko na sigurong laging nasasaktan pa ulit...



As being a writer and a blogger, I never become a professional writer but I always can learn from all my mistakes and restart over and over. Gaya ng mga dati kong blog posts na dini-delete ko at para ma-improve ko ang blog site na ito. At, hindi ko ilalagay sa isip ko na maging sikat na writer dahil prayoridad ko rin ang maglingkod sa Diyos. Bilang isang mamamahayag na tagapaghatid ng mabuting balita mula sa Kaharian - sa ayaw man nila o sa gusto. Para sa akin, si Jehova ang pinaka-best teacher sa buhay, hindi lamang sa sariling karanasan. Mayroon akong goals na nais kong ma-achieve. Hindi mahalagang marami ang nawala sa akin dahil patuloy kong unahin ang Kaharian at nangangakong ibibigay Niya ang lahat na nararapat sa akin. (Mateo 6:33) Kaya, patuloy ngayon ang takbuhan ng buhay kahit anumang mangyari.



Therefore, I never meant to become a successful writer soon. But, I really can be successful in the eyes of Jehovah God at the last chapter of the last days.



Doon ko maramdaman kung gaanong kasaya ang magsulat - sa pangangaral man, sa pagbo-blog, maging sa pagsusulat ng mga kuwento't tula.



All is well and thank you. Padayon.


This is the picture of my first day of Field Service on Aug. 24, 2019; after 16 years of I lost.. #thebestlifeever


Comments


That Craziest Thing Called LiFE!.jpg
bottom of page