episode 3 - you matter (feat. #MHPHTurns5)
- Jennifer Lauren Olaso
- May 5, 2021
- 3 min read
Updated: Aug 9, 2021

HEY, GUYS! This is Jennifer Lauren Olaso and I'm very okay after the happenings. So right now, I am getting busy with my ministry service, homeschooling, and writing projects along with Esther del Rojo.
Dahil episode 3 na ang blog kong ito ay may nais ibahagi sa iyo tungkol sa di-malilimutang kaganapan since 2018. Alam kong throwback ang pag-uusapan sa bagong blog post na ito. Because Mental Health PH is celebrating 5 years of continuing to advocating for all persons who struggle with a mental health crisis. Lalo na sa panahon ng Covid-19 pandemic. Ito ang nagbibigay ng daan upang marinig ang boses ng bawat isa sa pamamagitan ng social media platforms - gaya ng Facebook, Twitter, Instagram, atbp.

Ang hindi ko malilimutan ay nakikibahagi ako sa MHBlogathon noong April 28, 2018. Sa Art Cube Gallery, Makati City. Isa ako sa batch 1 na napalad na makasama ako doon, pagkatapos ng i-register ang pangalan ko. That was the time bago ako bumalik sa bahay ni Jehova para makapag-aral ako muli ng Bibliya noon. Sa unang pagtapak sa lugar at unang pagpasok, may art gallery ang bubungad sa akin, which was mental health ang tema sa mga paintings. Nakakamangha ngunit may pahiwatig. Ika nga sa isang winning IG post ni roxlibatique, "Out of all the paintings in this gallery, this is the painting that spoke to me the most [because] it depicts what I feel when I deal with my episode."

Mula nang magsisimula ang programa hanggang sa alas-sais ng gabi, may mga nauuwi kong natutunan na dapat maging aware tayo o sila about sa mental health. Maging sensitibo tayo pagdating sa bagay na iyan, lalo na kapag may isang taong masayahin at kalmado ang mae-encounter na 'yung pala'y may itinatagong problema na hinding masabi sa kahit sino o kanino. Higit sa lahat, dapat natin magpakita ng empatiya at maging mabuting tagapagkinig para sa kanila. Kaya, may matutunan ako sa mga guest speakers na gaya nina Ma'am Christine Bersola-Babao, TJ Manotoc, Dra. Camille Garcia, atbp. Maging kina Justine Danielle Reyes about sa Do's and Don'ts in Social Media: Code of Ethics for Psychologists; at Jansen Romero for visual ethics na may kinalaman sa gayong usapin. Lalo na pagdating sa pagba-blog at pagsusulat ng mga kuwento.

Sa pambihirang pagkakataon, tanging si Dra. Camille lang ang minsan kong sinusulatan bilang pasasalamat, pagkatapos ang Blogathon na iyon at kahit hindi siguro maging magka-closed. At, makalipas ng mga araw ay nakatanggap ako ng reply na sulat sa kauna-unahang pagkakataon. Minsan kong binabalikan ang nag-iisang sulat na ito at binabasa ko nang paulit-ulit kapag may oras. Sa ngayon ay hindi kami nagkakumustahan dahil sa mga kabisihan ngayon. Gaya ng ipinapanalangin ko gabi-gabi sa mga Saksi ni Jehova na nakatira sa mga ibang bansang bawal ang kanilang gawain at sa mga medical frontliners sa mga ospital; isasama ko siya ngayon sa mga panalangin at sa iba pang MH practitioners na bigyan nawa ng lakas at karunungan mula sa Diyos na Jehova para sa mga nangangailangan. - Isaias 45:5; Santiago 1:5

Ang totoo, marami kasi ako mga katanungan para sa buhay ko bilang isang taong may kapansanan sa pag-iisip (o pagiging isang person with Asperger's Disorder). Kaya, iyan ang dahilan kung bakit ako nandoon at kahit mahirap na makakuha ng masasakyang papauwi noon kapag gabi na. May mga personalidad na nakikilala ko at maging sa mga bagong kaibigan na dumarating. Magkakilala nang isa't isa at maibabahagi ang mga talentong mayroon ng bawat isa - gaya ng pagsusulat, pagtutula, pagpipinta, pag-compose ng kanta, at kung anupaman.

Minsan ay nagpramis ako sa sarili ko na magiging volunteer ako for MH pagkatapos nang ako'y nabautismuhan na. Pero, mula nang nagkapandemiya, ay sadyang nag-iiba na ang mga magiging goals ko. Para sa akin ay matulungan ko rin ang mga tao gaya ko, kahit sa anumang paraan na meron ako. At, nagpapasalamat ako sa mga bumubuo ng Mental Health PH at sa #MHBlogathon2018 sa lahat ng mga natutunan ko. Kahit kasalukuyan ay wala na'kong Twitter account ngayon at hindi ako makakasama sa Twitter chat. Ngunit ay sumasali ako minsan sa mga seminars at webinars kapag may natiyempuhang oras at sapat na gastos para sa pangkain at pamasahe.

Lalo na hinding makakalimutan ang lahat ng sinabi ni Dra. Camille na "Panahon ang magsasabi kung hanggang kailan ka magmamahal [muli]. Panahon ang magsasabing hindi ka mawawalan ng pag-asa. Panahon ang magsasabing may maniniwala [o may magtitiwala] sa iyo." Talagang hindi ako mawawalan ng pag-asa, sa ilang beses na paulit-ulit na nasasaktan mula noon, kung nang dahil sa tulong ng matibay na pananampalataya ko kay Jehova. Umaasa ako na balang araw ay walang sinuman ang magsasabi: "May sakit ako." - Isaias 33:24


Comentarios