episode 4 - of bob hair and bookbed
- Jennifer Lauren Olaso
- Jul 14, 2021
- 3 min read
Updated: Jul 17, 2021

Disclaimer: This blog post of the day is very, very late to publish. It was already one month ago. My apologies and thank you. - yours truly
P. S. Happy 11th year to BookBed. ☁️
HEY, GUYS! It's me here again and how are you today? Gaya ng dati ay naging mas busy na ang mga araw ko. Pero may mga pagkakataon na gusto kong matulog, uminom ng kape, gumala kapag may ipon ako, mag-grocery, makinig ng mga paboritong awitin sa spotify, magbasa ng Bibliya, makitsika sa mga close friends, magmuni-muni, at kung anu-anong puwedeng gawin para mapagpagan ang mga stress sa buhay. Oo, walang masamang kailangan ang isang kilong pahinga at makapag-relax pagkatapos ng mga gawain. Lalo na mapa-WFH man. Kaya heto, finally ay nakapaggupit ako muli ng aking buhok sa T & J Salon last June 6 (Saturday). Na-achieve ko muli ang dream hair style kong modern bob. 'Yung nga lang ay babalik naman tuloy sa pagkakulot. Kaya talagang mag-iipon ako ng pera para sa pagpapa-rebound ko hanggang December. 'Yung lang.

And, last May 29 (Saturday ulet) ako um-attend sa Silent Reading Session ng BookBed via Zoom meeting. Last Friday kasi nakatanggap ng invitation sa personal email address ko. Dumating ako doon kahit mga five minutes na-late. May mga bagong kakilala roon. Even finally na nagkita kami ni Hunny, after a long time huli kaming nagkita sa isang Wattpad event since 2016. And, also, I met the man with the same case on me, na napatotoo ko nang di-pormal thru private message after the session. Habang 45 minutes na silent reading na off-cam ay kumain ako ng apat na pirasong siomai na nakababad sa toyo na may kalamansi bilang hapunan ko. Nabusog kasi ako sa merienda kong isang malaking pirasong Pizza, galing mismo sa kapatid kong babae. Then, may natutunan ako kay Bibi Mangki at kay Nyle sa nabasa nilang libro about sa mga kulturang meron sa China at Southeast Asia. Parang gusto kong pasyalan ang mga bansang nais kong mapuntahan, pagkatapos ng pandemiya at naka-ipon man ako ng perang pang-abroad.
Dahil first time kasi ako napunta sa Silent Reading Session, tanging Bibliya ko lamang ang pinakilala ko sa kanila at ito talaga ang pinakapaborito kong libro sa lahat ng mga paborito ko. Lalo na hindi ko tuloy nabanggit sa kanila noo'y praktikal na tulong iyon para sa akin at may marami ako natutunang aral mula sa mga magaganda at di-magagandang halimbawa ng mga Bible characters.
SPEAKING OF BOOKBED, doon ako nagpapasalamat sa mga bumubuo dahil lamang sa katanging-tanging featured poem sa kanilang website, na magpo-four years iyan sa Agosto 17. Iyan ang The Red Cap and Me.

Originally, haiku ang ginawa ko sa tula. 'Yung nga lang, edited ang ginawa nila. Ayos iyon. Ginawa ko ang tula iyan ayon sa aking karanasan noong bata ako. Oo, naalaala ko nga ang kulay-pula na Mickey Mouse cap na nakita ko sa bahay at sinuot ko. Nang sumakay ako sa tricycle, kasama ang Mama ko at ang kapatid kong lalaki noong baby pa lang, bigla na lang lumipad ang cap mula sa aking ulo hanggang bumagsak sa lupa. Sa bilis kasi ng andar ng tricycle. Nag-iiyak ako sa gusto kong balikan ang sumbrerong lumagpak sa lupa pero hindi nakinig si Manong Toda. So walang magawa kundi nag-iiyak lang. 'Yung lang. Parang naisip ko kasi ito ang kauna-unahang brokenhearted experience ko mula nang nawala ko ang kulay-pulang Mickey Mouse cap after 30 years or less than. Medyo 'yung lang ang naalaala ko.
Lubusan kong nagpapasalamat sa BookBed sa pagtanggap ng kaisa-isang featured poem ko nasa website. Lalo na natuwa ako minsan sa Silent Reading session. Pero hanggang dito na lang siguro bilang ako si Jela Olaso o si jelathewr;ter - na isa ngayong retiradang Wattpad writer o bilang isang contribute writer para sa BookBed website.
Maraming salamat. ^_^
Comentarios