top of page

Poetry - Traydor Ang Mga Lumang Alaala by Jennifer Lauren Olaso

Updated: Apr 9


Traydor Ang Mga Lumang Alaala

(When The Old Memories Betrayed)

Sa Panulat ni Jennifer Lauren Olaso

 

 

Mahal kong Lumang Alaala,

Hindi kong inaasahang luluwas ka nang walang paalam,

Ni walang iniiwang bakas o may habilin man.

Sadyang hindi ko nga inaasahang kung bakit bigla kang nawala.

 


Minsan ay binisita ka namin ni Hans

Nang ika’y nariyan sa isang abandonadong gusali ng Broadway,

Sa panaginip lamang kung saan kaming pumasok sa kabilang studio

Na ang dating makulay at maingay tulad ng puti, dilaw, at pula.

 


Kung saang una kong nakilala si Hans noong nabubuhay pa,

Na may silay na ngiti at punumpuno ng kagalakan nasa mukha niya.

Lagi siya nakakasama ang magandang reyna at kapitana,

At paborito sila ng mga madla at kapit-bahay na laging sumusubaybay sa telebisyon.

 


Isa rin akong tagasubaybay ng paboritong progama

Tuwing alas-onse hanggang alas-dose nang tanghali.

Minsanan lang ako mag-isa sa bahay na walang pagbabawal,

Habang wala ang mga magulang ko’t nasa eskwelahan ang mga kapatid ko noon.

 


Dati-rati ay maingay, magulo, at parang nanonood ng boxing at totoong telenobela

Kung saang may mga bisitang nag-aaway-away sa anumang bagay na pinagtatalunan:

Tsismis, utang, binguhan, away sa pera, dayaan sa sugal, isyu sa pamilya, at kung anu-ano pa.

At, pagkatapos ay handang makipag-ayos ang ilan nang may payapa.

 


Minsan kong napapatanong kung kumusta ang mga bisita noon

Pagkatapos ng programa at sa paglipas ng mga panahon.

Simula nang nawala siya at ang reynang umuuwi sa pagiging kapamilya,

Sadyang hinding matanggap ng madla ang paglalaho ng paboritong programa.

 


Sa panaginip ay binabalikan namin ni Hans ang lugar na iyan,

Na ang dati-rating puti, dilaw, at pula ay naging kulay abo na;

Dahil sa higit na isa’t kalahating dekadang tuluyang napabaya, maraming pinsala,

Luma, maalikabok, at hindi muling maibabalik ang dating hitsura.

 


Kupas na ang mga pintura nasa paligid ng studio.

Maraming sira ang mga disenyo - mula sa dingding hanggang rito,

at may mga silyang di-nililinis at hinayaang nakataob at nagkalat na.

Nakakalungkot, nakakahinayang, at may nakapagsasabing “tapos na iyan.”

 


Nakakatraydor nga ang pabago-bagong sistema ng daigdig at panahon.

Nakakapagod ang maging malungkot at isipin ang mga magagandang alaala.

Hindi na muling maibabalik ang dating minsang minahal ang programang pangtelebisyon,

Na tila pambarangay bago si Raffy Tulfo, na ngayo’y senador na.

 


Umupo kami nang saglit sa dalawang silyang kaninang napunasan -

Puti ay sa akin, dilaw ay kay Hans, at ang pula ay hinayaang nakatumba.

Tanging ang maliit na bintana nasa kisame ang nagsisilbing spotlight ng studio.

Tapos ay kunwaring last show ng programa habang mga audience ay mga anino.

 


Dito sa isang abandonadong studio ng Broadway ay huling pagkakataon

Para magmunimuni, kuwentuhan, at magpaalam sa huling nakaraan na ito.

Kahit traydor mang ang mga lumang alaalang nakatatak sa amin,

Kailangan naming lisanin at magpasalamat bilang parte ng buhay namin.

 


Mula sa isang Tiyang hanggang kay Ateng, kay Momshie, at Ate Korina,

At maging sa mga tagapayong nagsisilbing tagagabay ng mga madla.

Sa mga kagawad gaya nina Donita, Ryle, Tuesday, at Kuya Alex Calleja;

At, sa mga mananayaw, mga maskuladong bouncers na taga-awat ng nag-aaway na bisita.

 


Paalam, Lumang Alaala, hanggang dito na lang ang mahabang salaysay

Na hinding nagkakasiya sa aming tula.

Salamat sa masasaya at makulay na 2010 ko at sa kaniya  - gaya ng puti, dilaw, at pula.

Maraming salamat at nagmamahal, Hans at Jela.




This photo of three chairs I used for the poem is made by Google Gemini. Thank you. :)
This photo of three chairs I used for the poem is made by Google Gemini. Thank you. :)

Comments


That Craziest Thing Called LiFE!.jpg
bottom of page