top of page

episode 2 - hey, there!

Updated: Jul 12, 2023


Hey there, everybody! I'm back and my apologies for more than months of being still hiatus for blogging, after I posted my first episode last August 2020. Speaking of my first episode ay pangsamantala munang i-unpub para ma-reedit ko kapag may oras ako. Lalo na may marami akong kailangang dagdagan para sa blog site ko dito sa wix.com - gaya ng magkakaroon ng photo gallery ng mga lumang pictures at mga never-before-seen photos ko na hindi ko pang napo-post sa IG ko. Abangan niyo poh, guys!



Atsaka, gusto kong ipaalam ko sa iyo na si Jela Olaso (o si jelathewr;ter sa Wattpad) ay nagretiro na, by the begin of 2021. Kaya hindi ko na gagamitin ang pangalan kong ito bilang pseudo pluma (pen name) ko and my own Wattpad account was already turned over to my new twin Esther del Rojo. She is now continuing for the MANLALAKBAY, atbpng mga kuwentong paglalakbay series, in which two of ten short stories plus one bonus track are already published. Then, she decided to make a poetry compilation called CARA A CARA: Mga iba't ibang MUKHA sa likod ng Isang Manunulat. While yours truly never came back as a writer for Wattpad, and still serving as a baptized publisher and one of Jehovah's witnesses, pretty please to support Esther and her projects as the new writer in town after leaving the frozen time of the year 2015.



Pero, patuloy pa rin sa pagbo-blog dito sa That Craziest Thing Called LIFE! kapag may oras ako at hindi puwedeng araw-arawin ko'to dahil sa dami ng ginagawa ngayon.



* * *



Dahil ngayon lang ako mag-episode 2 ng blog kong ito, may nais ako ibahagi sa iyo, sa loob ng isang taon ng nagka-pandemiya dito sa Pilipinas at maging sa buong mundo. Lalo na hindi mawawala sa akin ang depression. Mahaba-haba lang 'to, guys!



Una, nararamdaman kong ayaw sa akin ng mga classmates ko at mga dati kong kaibigan noong hayskul, matapos ng ibinahagi ko sa kanila, thru Messenger at IG private message, ang kuwento ko about high school moments called MAALAALA KO BA ANG LAHAT? (The 2020 Revised Edition). Walang likes, walang heart emojis at walang replies na nagsasabing "Thank you!" kaya nagalit ako at masama ang loob ko sa kanila. Dahil, pakiramdam ko kinalimutan nila ako at kinalimutan din ang Cahbriba. Oo, mahal ko ang Cahbriba. Kahit matagal nang wala na ang school na itinuturing pangalawa kong tahanan, hindi pa ring mawawala sa puso't isipan ko. Talagang isasama ko iyan sa Paraiso. Pero, sila nga kaya?



Oo, naunawaan ko namang may kaniya-kaniya sila ng buhay. Kaya iyan siguro ang kinatatakutan ko mula nang hayskul. Kapag malaman niyo kinalimutan ka nila, puwes ay kakalimutan ko rin at hindi ko na sila matandaan ngayon. Iyan ang masakit para sa akin. Ang nakakatawa lang, parang na-Bea Alonzo Syndrome ako. 'Yung ginosting ka ng mga kaibigan mong traydor na hindi ka nawarningan na "Ayaw ka nila sa iyo!" Wala ako magagawa sa kanila. Lalo na sa tagal ng hindi kami nagkikita-kita at wala kami komunikasyon sa kanila, mauuwi lang talaga sa samaan ng loob. Kaya, ayoko na! Kwits na kami... Tapos!



And, speaking of na-Bea Alonzo Syndrome ako, iyan pa sa ibang mga kaibigang na-follow ko dati sa IG at Messenger when I am trying to communicate kung kamusta sila. Araw-araw ako nagpapadala ng mga sulat ko thru emails, private message, Messenger, and now snail mails. Hanggang dumating sa punto'y napagod, nanghimagod, na-depress dahil lamang sa hanggang seen lang sila. Parang ganyan din sa pagba-bahay-bahay ko bago nagka-pandemiya. Dahil dito ay dismayado ako at na-unfollow ko sila, gaya ng ginawa ko sa mga high school classmates ko. Pero, pinatibay ako ng mga kapatid sa kongregasyon na huwag ako sumuko kasi ganyan din ang hamon nila kung bakit hindi sila tumutugon about sa mabuting balita at sa Bibliya. So my apologies na napaka-nega akong tao and I was too emotionally stress. Dahil, siguro, epekto ng pandemic fatigue iyon. Instead, mas gusto ko maging busy sa mga gawain ko at sa espirituwal na bagay. Kaya, doon ko ihagis ang lahat ng mga pasanin. Iyon lang.



And, you know what, guys? Nag-start ako noon ng homeschooling sa Canadian Special Education Missions Philippines or CSEM, as my parents recommended me to study there because of being a person with Asperger's Syndrome. Pero, may isang insidenteng nangyari sa buhay ko at doon ako nagkaka-three strikes of depression.



Saturday, April 10. Niyaya ako ng isang sister na samahan siya para sa Bible Study niya. Pumayag ako samahan ko siya ng 6:30 p.m. pagkatapos ng paglalaba ng mga damit ko. Pero, kung kailan magla-last minute na, saka ako sinabihan ni Tita Sally na i-cancel ang pagsama ko sa kaniya because of the snake and ladder project ng CSEM. Nang paakyat kami pareho sa kuwarto ko, kasama si Papa at si Ashley na magfi-filming, chinat ko't tinawagan ko sa sister na hinding matutuloy sa pagsama ko sa kaniya. Naunawaan daw niya at maghahanap ng makaka-partner, which I was felt bad and I tried to be okay kung iisipi'y may maraming araw pa naman para sa susunod.



Bago mag-start ng filming for the project, nag-demo sina Tita Sally at Papa kung paanong gagawin sa snake and ladder iyon. Nang napansin nila kung bakit ganyan ang mukha ko na parang hindi ako masaya, doon ko sinabi sa kanila na "Gusto ko maglingkod!" Tapos, sinabi ni Papa na "Huwag mo nang ituloy!" They packed up for filming and games. Nang mag-isa ako sa kuwarto, doon ko umiyak nang sobrang-sobra. And, after all, I was so hurt!



I was so cried for I made my parents disappointed, sa kakasabi ko na "Gusto ko maglingkod!" Hindi lang sa nalulungkot ako kung bakit hindi ako makasama bilang partner ni sister sa kaniyang Bible Study, but I did happy for her na nakahanap ng makaka-partner niya nang mga oras iyon.



Yes, I was so wrong and I was so sorry. Kasi, oo, dahil hindi Saksi ni Jehova ang mga magulang ko at maging lahat ng mga kapatid ko, kaya hindi lubos na nauunawaan sa religion na pinasok ko. Parang pinagpipilian ko ba kung si Jehova o mga magulang ko. Kaya, tuloy, pakiramdam ko ayaw sa akin ng mga magulang ko dahil si Jehova ang pinaglilingkuran ko. Dahil dito, two to three days na hindi kami nagkakausap at bibihira ako ngayon makakain sa sobrang depress ako. So I pray and I am sorry to Jehovah that my parents won't sorry for what happened. Kaya, si Papa, nag-email ng Request To Quit sa CSEM.





Kaya, sa isip ko ay okay lang dahil hindi para sa akin ang CSEM iyon at marami naman akong trabahong puwedeng unahin. Lalo na sa paglilingkod ko. Siguro, baka na-pressure lang ako in the first place. Para sa akin ay nagpapasalamat ako sa CSEM dahil minsan nila ako tinanggap at sa pang-unawa nila ang lahat ng mga limitasyon ko. Sa ngayon ay hindi ko alam kung ano ang magiging plano dahil wala na'ko sa CSEM, pero kay Jehova mismo ipaubaya ang lahat.



Pero, nang dahil sa three strikes of depression na nadarama ko ngayon, malamang ay suicidal ako at never kong mag-iisip na gusto ko talagang magpakamatay. Kaya, iyan ang dahilan na ilang beses ako naglalayas dahil lamang sa hindi ako mahal ng mga magulang ko. I never really felt loved at me in that way, for all these times. Kaya, I'm sorry na talagang masama na ang loob ko at iyon ang ilalabas ko, sa pamamagitan ng pagba-blog kong ito.




Lalo na ang pinakamalaking pinagsisihan ko, kahit noong bata ako, ay Jehovah's witnesses sana ang mga magulang ko. Kasi, kung nai-imagine ko na mas naunang nagpa-bible study ang mga magulang ko noon sa mga Saksi, bago ako at ang mga kapatid ko ang naturuan na, siguro kahit noong teenager ako ay hinding-hinding nahihirap pa muli. 'Yung kung nandiyan ang Mama ko ay tutulungan niya'ko sa pagpili ng mga damit kapag magsha-shopping kami at pagpili ng make-up. 'Yung nagbababala sa akin about sa crushes at pagpili ng mga mabubuting kaibigan. At, higit sa lahat ay hindi nilang masasabing ang OA, OA ko at nag-iinarte lang kapag gusto ko umiiyak dahil lang sa nasasaktan ako.



So I was very wrong and I'm sorry. Nag-sorry rin ako kay Jehova para sa mga kaibigan ko at sa mga magulang ko na hinding nakakilala sa kaniya. Nag-sorry ako sa laki ng sama ng loob ko. Nag-sorry ako dahil depress pa rin ako, na kailangan ko'tong paglabanan. Nag-sorry ako dahil mahina akong tao kahit pinanganak akong autistic. Kung alam mo lang ay pinatawad ko ang mga magulang ko dahil hindi silang mabuting mga magulang at hindi rin ako mabuting anak para sa kanila.



Kaya, iyan ang dahilan kung bakit bina-blog ko upang ipaalam sa inyo ang kalagayan kong ito. Maraming salamat sa panahon para basahin ito. I'm sorry.




1 comentário


Parents Net
Parents Net
13 de abr. de 2021

You blog is worrying. Are your parents aware of what you're thinking? Jehovah wants you to serve on earth, alive... If you join Him in Heaven. that's for Him to decide. Not for you to kill yourself hoping that's what He wants. He gave you a mission to be his Witness on earth. Being in a mission is no easy task but so did He. Please let prayer and friends help you. Compassion to yourself will allow you to live a happy life. Keep emailing us... We would like to encourage you to be strong, to live your life inspiring others and to continue just being the way you were created. Here in CSEM, we understand you. We admir…

Curtir
That Craziest Thing Called LiFE!.jpg
bottom of page